[Monday, August 30, 2004]


(,") AnG hIrAp nG eXaM sA MiCrObiO!!! (",)

Nagexam kami sa microbiology kanina..Pucha ang hirap! For the first time eh pinagsisihan kong nawalan ng pasok last wednesday.. Noon kasi talaga nakaschedule yung exam sa microbiology kaso nga humagupit ang bagyo at nawalan ng pasok.. In other words, nareschedule nga yung exam kanina.. At naunat ang utak ko sa kakaisip kung anong style ng panghuhula ang gagawin ko sa pagsagot kung ano ang sexual at asexual spores nga ascomycota, deuteromycota, zygomycota etc.. etc..

Naalala ko tuloy yung message na sinend ko sa bestfriend ko nung wednesday morning nang malaman kong wlang pasok..

"What is malas nga ba? Ah alam ko na, yung tipong 4:30am ka na natulog sa kaaral para sa exam sa microbiology mamayang 1 pm at gumising ka nga 5:30am dahil may duty ka ng 7am tas bumabagyo kaya kahit bagong paligo ka at fresh na fresh paglabas mo ng bahay ay mukha ka nang basahan pagdating mo sa PGH tas pagdating mo don ay malalaman mong wala palang pasok?!? Meaning wala ring exam! Again, What is malas nga ba?"

Yan..yan ang message na sinend ko sa kanya nung umagang yon dala ng sama ng loob at kabangaggan dahil isang oras lang ang tulog ko.. Tinawagan niya ako bilang reply.. Pinagtawanan ako at sinabing "Di ka naman pala minalas ngayong araw na to.." "Hindi naman masyado..Konti lang(sarcastic ang pagkakasagot ko)..Kayo ba wala ring pasok?" "Papunta na nga kami school ngayon eh..Meron yata..Pro sana wala..(Punong puno ng hope ang tono ng pagkakasabi niya).." Maya maya binaba na namin ang phone.. Pagkatapos naming mag-usap narealize ko, bakit ba 'ko naghihimutok? Ang swerte ko nga kasi wala kaming pasok.. Kahit isang oras lang ako natulog eh meron naman akong maghapon para bumawi ng tulog.. At pag nagising na ko eh pwede pa akong maggala! At higit sa lahat, postponed ang exam sa micro! Ano pa bang mahihiling ko? Hindi pala ako malas ngayon, swerte pa nga!

To make the story short, (kasi ang haba na..) Natulog nga ko nun mula 8 hanggang 1 pm at pumunta kami ni joy sa diliman nung hapon..Kahit bumabagyo at baha sa Espanya eh ang saya pa rin dahil nagkitakita kami nung mga classmates ko nung highschool! Kaya sabi ko sa sarili ko nung gabi non, bakit ba ko naghimutok kaninang umaga? Ang saya ko ngayong araw na to..Walang dahilan para mag-isip na ang malas ko..

At ngayon ko nalaman ang sagot.. Hindi ako nag-aral kahapon para sa exam ngayon, kaninang umaga lang.. Nahasa na naman ang cramming skills ko sa pagsscan ng pagkakapal kapal naming handouts ilang oras bago ang exam.. At ang part na di ko nareview o na-scan man lang: FUNGI.. And guess what, fill in the table at fill in the blanks yung exam about fungi.. Ayun.. Binagay sakin yung test paper na puno ng blanks at pinasa kong puno pa rin ng blanks.. Hindi ko na-fill-in-an in other words.. Kaya pala ako naghihimutok nung wednesday.. Naisip ko tuloy, siguro kung natuloy nun yung exam, baka may nasagot ako kahit papaano.. Ngek! Ewan ko..Hindi rin siguro..

Actually, may isa pang dahilan kung bakit pinagsisihan kong nawalan ng pasok nung araw na yun.. Pero that's another story.. "For a minute there, I thought you were real.." Pagod na kong magtype..(",)

~*O*~

(,") mAx (",) shed her cocoon at 3:14:00 PM
Care to leave your thoughts?





Comments: Post a Comment


...This Butterfly Is...
Name: Maxiel Miracle Arcaira
AKA: Max, Maxie, Shel
Age: 18 yrs young
Birthday: October 27, 1986
School: University of the Philippines
Course: BS Nursing, 2nd year
Watching: Movies, Ragnarok, Get Backers, Fruits Basket, MTV
Reading: Harry Potter books, Message in a Bottle..Actually, kahit anong librong matripan kong basahin..c",)
Playing: Ragnarok, Suikoden II, Badminton, Basketball, Volleyball
Listening to: Alternative, pop, RNB Loves: God, Family, Friends..To talk, to go out with friends, to sleep, to act, to eat, to smile..c",)
Hates: Vegetables..Disonesty..


...My Wings...

(,") nEw BoRn bLOg (",)

...FLutter Back My Past...

August 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005
August 2005
September 2005

...This is Me...
.max. .jolly. .cheerful. .smart. .open-minded. .confident. .friendly. .approachable. .talkative. .loud. .outgoing. .sweet. .thoughtful. .expressive. .God-fearing. .understanding. .optimistic. .healthy. .pretty (hehe). .cry-baby/iyakin/ mababaw ang luha. .totoo sa sarili. .sobra magmahal. .mahilig magpatawa. .mahilig tumawa. .malakas tumawa. .mababaw ang kaligayahan. .purple-lover. .mahilig sa babies. .mahilig kumain at matulog. .ginagawa ang gusto. .walang pakialam sa iisipin ng ibang tao. .arcaira.

...I'm feeling...


...Wishlist...
~ to fly ~
~ to give my parents everything they want ~
~ to meet Ryan Gosling, Chad Michael Murray, Daniel Radcliffe, and Tom Cruise ~
~ to eat all the delicious food in the world and never get fat ~
~ try scuba diving and sky diving ~
~ silver necklace of my name ~
~ lavender car ~
~ violet PC ~
~ purple guitar ~



Click Here
xX--/Whatever you wanna say..(",)\--Xx
(",)
WhO's tHis BuTteRfLy?

WhErE cAn I vIsIt yOuR fLoWeR?

pLeAsE LeAvE yOuR mEsSaGe:(^_^)
..(,") hey guys, thanks for passing by my blog (",)..
...Quotes...

"..falling out of love is easy but forcing yoursel to fall out of love is like..nothing compares.."
~ sehl

"..Always remember that we get hurt for a reason and we make mistakes so we can learn..Lucky are those who find love but better are the ones who know how to let go of love when it is not meant for them anymore.."
~ aye reece

"..kaya nating magmahal sa loob ng isang minuto, parang love at first sight ba... pero kulang pa ang buhay mo para makalimutan mo ang taong minahal mo nang totoo.."
~ snow angel

"..don't let anyone hold your happiness in their hands.. hold it in yours so it will always be within your reach.. staying happy, is not merely an emotion.. it's also a choice.."
~ anonymous


-->