[Wednesday, October 20, 2004]
haaay..medyo naging busy ako lately..alis kami ng alis nina mommy tsaka medyo nagsunod sunod din ang lakad ng tropa..
kanina nagpunta kami ni mommy sa sm..kumain muna kami tas iniwan niya ako sa dermclinic dahil nagsimba siya sa baclaran..at anong ginawa ko sa dermclinic? nagpafacial ako! yep, you read it right, nagpafacial ako! Harhar! at pucha, ang sakit! oo na, OA kung OA pero nasaktan talaga ako..pero siguro kasi ang iksi lang talaga ng pain treshold at pain tolerance ko..madali akong masaktan..physically ang emotionally na rin..
natatandaan ko last sem, kinailangan naming magprick ng finger para sa microbiology class namin..kailangan kasi ng blood sample ng bawat isa sa amin..the night before that, nagbasa ako ng laboratory manual at nang malaman kong magfifinger prick kami the next day, naisip kong wag na lang pumasok..ganon ako katakot masaktan..pero siyempre hindi naman pwedeng hindi pumasok kasi isa yun sa mga tinuturing naming major subjects dahil kailangan siyang ipasa kundi madedelay kami ng isang taon..
pag-upo ko pa lang sa upuan ko sa loob ng classroom, kumabog na agad ang dibdib ko..naiisip ko kasi na masasaktan ako at masusugatan any minute then..kinontrata ko na agad si lors na maging partner ko kahit sa kabilang side pa siya ng table nakaupo..feeling ko kasi mas komportableng magpaprick sa taong matagal mo nang kakilala at isa pa sa pinakamalalapit mong kaibigan..feeling ko mas less yung pain na mararamdaman ko pag ganon..
ayan na..magpprick na kami..hindi naman ako umiyak or nagsisigaw or hinimatay..OA yun masyado..pumikit lang ako ng madiin na madiin at nagdasal ng "Ama Namin" habang hinihintay ang masakit na paglapat ng maliit ngunit matulis na lancet sa munti kong daliri.."bilisan mo yung pagtusok lors ha? Yung sobrang bilis!".."ouch!"..tapos na..ansakit! ansakit! dagdagan mo pa ng paglalagay ng bulak na may alcohol..pag hindi naman napaluha ka sa sakit..piniga ang daliri..naglagay ng dalawang patak ng dugo sa slide at nilagyan ulit ng bulak ang sugat..isipin mo naman, para sa dalawang patak ng dugo eh masasaktan ka ng ganon? injustice!
tapos siya naman ang pnrick ko..cool lang siya..walang pag-aalinlangang binigay ang daliri niya at medyo nagulat lang ng maprick ko na siya..Astig! antapang!
after non, kahit kinailangan pa naming magprick ulit, di na ko nagpaprick..naramdaman ko na kasi yung sakit tas magpapaprick pa ulit ako? parang tinorture ko naman sarili ko non..ambait ni lors..tatlong beses pa yata siya napaulit ulit na nagpaprick at binigyan na lang niya ako ng dugo niya..hehe..ayoko na kasi talaga..eventually nawala rin naman yung sakit..saya..kaya lang kinailangan ulit naming magprick para sa isa pa naming klase kaya pinagdaanan ko na naman yung mga yon..at alam kong marami pa akong pagdadaanang physical pain sa course ko..injection for example..which is next sem na..huhu..God help me!
i hate feeling pain..actually, takot ako sa pain..physically or emotionally man yan..kaya lang minsan hindi maiwasan eh..kahit ayaw mo, dumarating..kahit ayaw mo, kailangan..wala ka nang magagawa kundi kayanin na lang..maging strong..harapin at lagpasan..pag nasasaktan, iyak lang..mawawala rin yan..ganon lang naman lagi eh..parang finger prick lang din ang emotional pain..sa una takot kang maramdaman..pero kahit takot ka, papasukin mo pa rin..itatry mo pa rin..gagawin mo pa rin..at pag nasaktan ka na, aaray ka na lang..o iiyak..hanggat gusto mo..hanggat kaya mo..minsan ang mga kaibigan parang yung bulak, tutulungan kang pigilin ang pagdudugo at hilumin ang sugat..at eventually, mawawala rin ang sakit..kahit gaano katagal pa man ang abutin, magsusubside rin ang pain..para maging handa ka nang tahakin ang mga susunod pang "sakit" sa buhay mo..na kahit takot ka, susuungin mo pa rin kasi alam mong parte yun ng buhay..at alam mong matatapos din..(",)
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 9:21:00 PM
Care to leave your thoughts?
August 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005
August 2005
September 2005
