[Saturday, October 16, 2004]
birthday ni ian giselle kagabi..
alas dose na ako nakauwi..
nalasing ako..
hindi ako nakatulog..sobrang sakit at bigat ng ulo ko..
kinabukasan..hang-over..puyat..sakit ng ulo..karma..harhar..(",)
ang saya ng party sobra..marami rami rin ang dumating..ako, sehl, eds, bilog, ice, gell, shane, puso, lovelyn, jam, zeus, at germain sa batchmates..kambal, lorenz, yen-yen, tan-tan, atbp, sa schoolmates..
dumaan muna kami sa dati naming Alma Mater bago kami pumunta kina ian..dumalaw at nakipagkwentuhan..pampalipas din ng oras kasi 1 pm pa lang nandon na kami eh gabi pa pala party ni ian..nakita ko yung dati kong crush na 3rd year..at dahil don, hindi ko na talaga siya crush..hehe..(",)
pagdating namin kina ian, nagkwentuhan muna kami..tas maya-maya kumain..tas nagkantahan..tas nag-inuman habang nagkukwentuhan at nagkakantahan..hindi naman lahat kami uminom..ilan lang din..ayaw kasi talaga nung iba eh..
maya-maya tinatamaan na mga tao..dami na sumisigaw at mas humataw ang mga kumakanta..wala na nga yatang pakialam sa ibang bisita..feeling yata namin eh kami lang ang nagrent nung videoke machine..kanya kanyang kanta ng senti songs para ilabas ang mga hinanakit sa buhay..walang takot magsalita..hihirit ng pasigaw sabay tawa..harhar! ang saya talaga..hanggang uwian ganon kami..anlalakas ng loob ng mga tao..saya talaga pag lasing..guts galore..hehe..(",)
halos pitong bote yata ng san mig pale pilsen ang nainom ko at mahigit dalawampung beses yata akong bumisita sa banyo..diuretic kasi ang beer, pag umiinom ka, ang tendency mapaihi ka ng mapaihi..lalo pa ko..overfunctional yata kasi ang kidneys ko eh..OA magproduce ng urine kumbaga..
pag-uwi ko, nag-ayos lang ako ng katawan tas humiga na ako agad..ambigat ng ulo ko, hindi ko na talaga maiangat nang ihiga ko na siya sa unan..naturally, nakatulog ako agad..kaso nagising ako ng alas dos..at anak ng tipaklong ang sakit ng ulo ko! di na ko makatulog..bumangon ako, naghilamos uli, uminom ng isang basong tubig sa humiga uli..wa epek..sakit pa rin..pinikit ko na lang ang mga mata ko pero gising ang diwa ko..napapaidlip ako ng saglit pero nagigising din agad..at yung saglit na saglit na idlip na yun ay hitik na hitik sa panaginip..kaya parang di rin ako nakatulog..sa dami nga ng napanaginipan ko, din ko na madistinguish kung alin ba ang totoong nangyari at alin ang panaginip lang..mga 6 na siguro ako TOTOONG nakatulog dahil unti-unti na ring humupa ang sakit ng ulo ko non..kaya lang ginising ako ng 8 dahil pupunta kaming dasma..magpapatherapy ang Lola ko..at since hindi dapat magpahalata na nalasing ako kagabi, hindi ako nakatanggi..kaya..
puyat..sakit ng ulo..sakit ng mata..karma..hehe..(",)
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 10:52:00 PM
Care to leave your thoughts?
August 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005
August 2005
September 2005
