[Tuesday, October 12, 2004]
Naiinis ako..Hindi ko maayos yung pic ko..Haaay..Bakit ba pati yung pic ko nagiging transparent/translucent whatever? Nakakainis talaga..Mukha tuloy akong may mga tatoo sa mukha..Huhu..Pano ko kaya maayos to? Kapag ako nainis at hindi ko siya naayos hanggang bukas, idedelete ko na lang..Sayang naman..Pinag-aralan at pinag-isipan ko pa naman kung paano ako makakapagpost ng pic sa blog ko..
Haaay..Naaadict na nga yata ako sa pagbblog..Puro na lang yata ito ang inatupag ko sa unang dalawang araw ng bakasyon ko..Nakadalawang internet card na nga agad ako sa loob ng mahigit dalawang araw..Tsk tsk..Magastos ito..Siguradong papagalitan ako ng Daddy ko pag nagpabili na naman ako ng internet card sa kanya..Haaaay..
Hindi lang naman ako eh..Yung dalawang kapatid ko kasi adict din sa net..Haaay...
Napapagod na akong mag-ayos ng lay-out ng blog na to..Marami rami na rin siguro akong nadagdag at naayos..Pero feeling ko kulang pa rin..Feeling ko hindi ako makukuntento kahit kelan..Andami ko pa kasing gustong gawin eh..Pero pag-aaralan ko pa kung paano kaya medyo mahirap at matagal..Haaaay..
Pansin niyo puro ako buntong hininga? Actually naghihikab lang ako..Antok na kasi ako eh..Gabi na kasi..Este, umaga na pala kasi pasado alas dose na..Haaaay..Antok na talaga ako..Bukas na lang uli..Paubos na naman internet card ko..(",)
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 11:47:00 PM
Care to leave your thoughts?
August 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005
August 2005
September 2005
