[Monday, November 29, 2004]
I AM SO BUMMED!
nandito ako sa computer center ngayon.. nagdedetox.. katatapos lang ng pamatay na practical exam namin sa N12 kanina.. lintek na exam yan.. bakit naimbento pa.. badtrip talaga.. pag daw bumagsak kami dun sa isang exam na yun, uulitin na namin ang N12 dahil test raw ng competency yun.. imagine, failing 1 exam = failing the whole course?! Langya talaga.. tas binigyan ako ng 2 out of 12 ng isang preceptor sa isang station sa exam kanina.. sino ba naman ang papasa?!
walang pasok ngayon ang iba, kami nag-exam..
nasa cavite lahat ng ng friends ko, ako nandito sa manila..
anlamig lamig ng panahon at naulan sa labas..
nakakuha ako ng 2 out of 12 sa isang station sa exam kanina..
wala akong kasabay magdidinner mamaya..
magreresearch ako dahil may report kami sa thursday..
may exam sa friday sa N5-phramacology..
pupunta kaming malabanan bukas..
after non mag--iinjection kami sa isa't isa!!!! (horrors!!!)
tama nga ang kasabihang "when it rains, it pours".. sana kainin na lang ako ng computer na pinagtatypan ko.. now na..
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 1:10:00 PM
haha.. lakas ng loob ko magblog..may exam ako bukas.. pasado alas tres na hindi pa ako nag-aaral.. eh pano naman kasi, antagal ko nang hindi nakakapagblog.. namimiss ko na ito..
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 2:34:00 PM
grabe..it has been a very long week.. nung friday, may exam na kami agad sa N12 (maternal and child nursing).. akalain mo yun? first week of classes, may exam na agad?! Shetness talaga.. buti na lang medyo ok lang naman yung exam.. kung hindi, baka nabokya ako sa buena mano ng mga exams (and trust me, marami sila) ngayong sem na to..
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 3:07:00 PM
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 8:18:00 PM
dodong scarface...
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 3:48:00 AM
Care to leave your thoughts?
[Sunday, November 28, 2004]
toxicity strikes.. lupeet ng college namin (College of Nursing).. habang ang ibang colleges at schools ay nageenjoy ngayon dahil long weekend (walang pasok bukas kasi holiday), kami naman, shinorten ang weekend namin.. may pasok kami kahapon (saturday), makeup class.. at may exam kami bukas! walangya! hindi basta may pasok, may EXAM! how much worse can my life get? much worse if you weren't there..hehe.. text message yan.. ang corny ko talaga.. pano kasi, bitter ako dahil may pasok kami bukas!!! pinaiksi na nga ang weekend namin dahil ngayon lang kami walang pasok, nilaan pa itong araw na ito para mag-aral para sa exam bukas!!! Grrrr! Bitter! Bitter! Bitter!
~~~~~~
andaming nangyari lately.. at sobrang bilis ng mga pangyayari na tipong sa sobrang bilis eh hindi ko na namalayan na nangyari pala.. ni hindi ko man lang nga nanamnam at naenjoy.. pakiramdam ko, nanaginip lang ako..
pero masaya ako ngayon kasi naayos ko na ang mga gulong pinagdaan ko.. malinaw na ang lahat.. yun lang naman ang gusto kong mangyari eh.. yung malinaw.. hindi na ako nangangapa.. ambait talaga ni LORD.. He never fails to make me feel na nandyan lang talaga lasi Siya pag feeling ko ang gulo na ng buhay ko.. lagi Niya akong tinutulungang ayusin yun..(",)
dahil nga sa hindi ako madalas nakakapagblog at dahil sa 9 1/2 hours na lectures an inuupuan ko araw araw, naisipan ko na lang isulat sa spare notebook ko yung mga nararamdaman ko at mga naiisip ko whenever i feel like doing it.. lalo na pag sobrang antok na antok na ako sa lectures o kaya pag overwhelmed ako ng emotions.. it really helps.. kahit papaano, feeling ko may laging handang makinig sa mga kadaramahan ko.. nang hindi nagrereact at nang hindi nagsasawa..
tama yung sinabi ni Dumbledore sa Harry Potter.. minsan sobrang daming thoughts sa brain natin na hindi niya yung kayang i-contain lahat.. kumbaga sa container/kahit-anong-lalagyan, napupuno rin pag sobrang dami na.. nag-ooverflow rin.. kaya nga kinailangan niya ng pensieve.. para hugutin yung mga thoughts sa ulo niya at dun temporarily i-store..para nga naman walang nawawala.. parang feelings and emotions din yan, minsan pag overwhelmed ka, kailangan mo ng outlet.. usually tao ito.. a friend.. pero minsan, nahihiya ka ring magspill sa kanila dahil may mga sarili rin silang problema, ayaw mo namang dagdagan pa.. baka sila naman ang mag-overflow..
kaya naging outlet ko yung notebook ko nitong mga nakaraang araw.. pag binabasa ko nga ulit ngayon, natatawa na ako.. meron pala talagang emotions na sobrang saglit mo lang nararamdaman.. pag binalikan mo na, sasabihin mo, "naramdaman ko ba talaga yun? naisip ko ba talaga yun?"
Eto isang example ng kabitteran ko nung isang araw..hehe.. an entry from my notebook:
November 25, 2004 Thursday 04:31pm
Class: Wala Place: Rob Foodcourt
Bat kaya may mga taong dadaan lang talaga sa buhay mo para manggulo? Maayos na ang buhay mo.. Masaya ka na.. Everything's in place.. and yet, ayan siya.. daan lang saglit para guluhin ang masaya at maayos mong buhay.. after a while, aalis din agad.. Lintek.. ang hindi mo lang maintindihan, minsan lang siya dumaan, pero naggulo niya ng todo ang buhay mo.. at di mo alam kung pano ulit siya aayusin.. Leche talaga..
o diba ang bitter? hehe.. nakakapikon.. nung binasa ko ulit siya ngayon, natawa talaga ako.. parang hindi ako eh..(",)
~~~~~~
anyway, i managed to reaarange my very organized (yuck!) and happy life last night.. hehe.. akala ko mahirap, madali lang pala.. actually hindi lang last night, nasimulan siyang maayos nung umuwi ako kahapon mula manila.. narealize ko kasi na kahit ano palang mangyari, may mga bagay na talagang hindi nagbabago.. ang im happy to have realized that..(",)
ang dapat ko na lang solusyunan ngayon ay ang katamaran kong mag-aral.. shetness talaga.. nagbblog pa rin ako eh may exam ako bukas.. kapag bumagsak ako sa exam na yun eh talagang magugulo to the maximum level ang buhay ko! haaay.. makapag-aral na nga..(",)
share ko lang tong qoute na to.. sobrang sweet and touching:
"minsan natanong mo ko.. kung sayo lang ba talaga ko.. hindi kita sinagot.. naisip ko lang kasi.. araw-araw mong tinitingnan ang kamay mo.. bat hindo mo makitang hawak mo ang puso ko?.."
sender:
(^_^) cLuTz
sent:
10:02:09pm
17-11-2004
ciao! (",)
Care to leave your thoughts?
[Monday, November 15, 2004]
araw-araw, 7-5:30 ang class ko with only lunch break as a definite vacant in between.. the rest, mga prof na ang megdedecide kung bibigyan ba kami ng break o lelecturan kami ng derederechong limang oras hanggang mag-apoy ang mga upuan namin at hanggang malugaw ang mga utak namin..*sigh*
tama na nga ang pag-rarant about school.. wala na rin naman tayong magagawa eh.. ganyan talaga ang buhay..
~~~~~~~~
isa na nga rin pala ako sa padami nang padaming suncellular subscribers.. at sa ngayon, halos buong tropa na yata eh nakaSUN na! astig kasi.. kaw ba naman, libreng tawag at text 24/7.. eto nga habang tinatype ko 'to ay kausap ko ang isang friendly friend ko.. best way to keep in touch di ba? kailangan lang talaga matyaga ka magpipindot hanggang makakontak.. lalo na pag peak hours.. pero trust me, its worth it naman..hehe..
ang nakakatawa pa sa SUN, habang kausap mo ang isang kaibigan at nasa peak kayo ng pagtatawan, pagkukwentuhan, pagchichismisan ay biglang may ibang taong papasok sa linya nio.. parang ganito..
joy: lam mo ba max, kausap ko siya kanina at nagtanong na naman siya tungkol dun sa girl! nag-hi pa nga eh! Landi talaga nun! hahahahahaha!
max: talaga? hahahahahahahaha! kanina? feeling talaga yun kahit kailan! tingin mo ba papatulan siya nung girl? hehehe!
joy: ewan ko b----
*brrr..brr..(biglang gugulo ang line)*
max: hello joy?
max: joy?
stranger(guy): hello?
max: hello? joy? kaw ba yan? *naguguluhan na*
stranger(guy): hello? sino to?
max: uhm, si max.. kaw sino ka po? *as in sobrang gulong-gulo na sa nangyayari*
stranger(guy): hello? si dino..sinong max?
*toot..toot..toot.. (biglang busy ang line)*
max: *tumawag uli kay joy..at makalipas ang ilang libong beses ng pagdidial..*
max: hello joy! anong nangyari?! bat nawala ka? naging ibang tao ang kausap ko! boses lalaki! para akong minumulto!
joy: ako rin! nag-iba ang kausap ko! babae pa rin pero iba na talaga.. si martha daw siya..tas bigla na lang niya binaba..ang weird!
at matapos ang ilang minutong pagmuni-muni at pagdidiscuss kung ano ang nangyari at kung pano nangyari yun, naisip namin ni joy na baka nga nagcross ang line at nagkapalit palit kami ng kausap..baka magsyota pa yun..hehe..
ganon ang naging reaksyon namin ni joy nang una naming maecounter ang ganong incident habang nakikipag-usap sa fone gamit ang SUN na sim.. pero di naglaon, nasanay na ako sa mga ganong pagkakataon.. dahil matapos ang pangyayaring yun ay marami pang sumunod.. isang version pa nga lang yun eh.. meron pang ganito:
1st attempt:
tatawag ka sa kaibigan mo tas may sasagot, lalaki, eh babae yung tinatawagan mo..
2nd attempt:
tas ibababa mo at tatry mo ulit tumawag sa kanya.. may sasagot ulit, bata naman, mga 6yrs old siguro yun.. tas ibababa mo ulit kasi 18yrs old na yung taong tinatawagan mo..
3rd attempt:
tas try mo ulit tumawag, nanay naman ang sasagot, sisigawan ka dahil akala niya ikaw yung anak niyang hindi pa umuuwi.. naturally, ibababa mo na naman.. masabon ka pa..
4th attempt:
tas tatawag ka ulit.. siyempre matyaga ka dahil kating kati na ang dila mo at gusto mo na talaga makipagkwentuhan sa kaibigan mo.. tas may sasagot.. babae.. boses 18yrs old at kaboses nga ng friend mo.. mukhang tama na to.. siya na nga yata ang kaibigang tinatawagan mo.. titili ka na sana at sisismulan na ang kwento mo nang bigla niyang sasabihing:
girl: hello? hello vanessa! musta?
kaso nga lang max ang pangngalan ko..wahuhuhu..
ang saya di ba? dahil nga sa mga pangyayaring yan, ang dami ko nga tuloy naging bagong kakilala..hehe.. gimik yan ng SUN para raw magkakilakilala ang mga suncellular subscribers.. parang friendster ba.. ang tagline: meet new friends while chatting on the fone with your old friends! diba astig?
anyway, sa mga iba pang naka-SUN diyan, text or tawag nio ko! o kaya bigay nio sakin ang # nio at itetext or tatawag ko kayo.. libre naman di ba? here's my #: 09224852977
text text! (",)
Care to leave your thoughts?
[Sunday, November 07, 2004]
the story was nice and touching.. combination of love story, philosophy, and religion..
it was about sacrificing, taking risks, and giving up everything in the name of love.. or if i may say, in the name of your true love.. like what Jesus did when he sacrificed Himself to save us from our sins.. and most specially, like what God did when he sent His only begotten Son to free us from our wrongdoings..
basically, the book taught me a lot of things..
as i read the book from page to page, i can't help but underline some passages (something that i don't do with my other books, except from academic ones of course) that i really liked.. those that presented deeper meaning beyond what the words itself state.. and surprisingly, i marked the very first paragraph of the story.. meaning that the first paragraph already caught my attention and my interest.. here's how it goes:
i myself had already been hurt.. i had already felt what's it like when your heart is breaking into pieces.. and as i look back on those moments, i think i would have said and done what Pilar had said and done.. i believe that almost everyone of us, if not all, had already experienced the pain i'm talking about.. and admit it or not, during those times, we thought we'd rather lose heart and turn it to stone than endure the seemingly endless pain that pierces it..
and afterwards, hoping that we could finally forget..
presently, i have a friend(s) who is hurting though he/she is trying very hard not to show it.. but of course, he/she can't hide it from me.. i hate it when he/she feels pain.. it pains me as well.. "lam mo dear, kung kya ko lang ding kunin ang puso mo at ihulog na lang sa River Piedra para hindi mo na maramdaman yan, ginawa ko na.. but i know you wouldn't want me to do it even if i can.. coz i know you wouldn't want to lose your heart.. would you? i just don't want you to feel that pain anymore.. coz you, more than anyone else, don't deserve it.."
nursing po ang course ko.. and eventually, i would take care of patients until they recover.. sana pala pwede kong iapply ang pagiging nursing student ko sa lahat ng aspeto ng buhay.. i just wish i could detach my friend(s)' heart and nurse its wounds until they heal.. until he/she could no longer feel any pain.. i wish i could, but i couldn't.. no one else can help him/her but his/her self.. all i can do is be there for him/her whenever he/she needs me and whenever i possibly can..
~~~~~~
haaay.. and sad naman yata ng sinulat ko sa taas.. anyway, sana lang talaga matapos na yang sakit na nararamdaman mo.. i know that it will eventually subside.. you'll get over it.. everyone does..
waaaah!!! may pasok na ulit sa tuesday.. tapos na ang sembreak.. nakakalungkot.. hello toxicity na naman ang drama ko nito.. pero somehow masaya rin kasi kita kita na ulit ang mga classmates at ang tropa..
and speaking of tropa.. nagovernight kami kina joy nung friday ng gabi.. ang saya saya! kwentuhan, tawanan, kainan, at iyakan galore! ang sarap talaga dun sa kubo nina joy.. para talaga kaming may sariling bahay.. naglaro pa nga kami na kunwari isang pamilya raw kami na nakatira dun sa bahay kubo na yun.. si sehl ang tatay, si eds ang nanay, si joy ang panganay (asawa niya si dave), ako, si gell, si lors, at si giselle ang iba pang mga anak, at si irvin ang tagasingil ng upa ng bahay namin.. haha.. parang mga bata no? bahay bahayan.. imagine, second year college na kami niyan..hehe..nakakatawa.. minsan talaga ang sarap balikan ng pagkabata..(",)
hindi nga kami natulog magdamag eh.. as in nagkukwehtuhan at nagtatawanan at nagkakainan kami sa kalagitanaan ng gabi.. tas nung mapansin naming medyo nagliliwanag na, bumangon kami at kumain ng lala at blue bay tuna for breakfast na uwi kuno ni tatay russell! hehe.. at ironically, nung mga 6am na, saka kami naghigaan at natulog.. kung kelan umaga na! mga bandang 8am kami gumising, kumain ng tunay na breakfast sa dining area nina joy, at nag-uwian na rin after.. ang saya saya talaga nung experience na yun.. sana maulit yung ganon.. (",)
buti ng at pinayagan me.. first time! dati kasi, hindi talaga me pinapayagang mag-overnight sa house ng friends ko.. medyo overprotective kasi ang parents ko before.. pero buti na lang talaga at pinayagan na 'ko nun kundi i missed half of my life kung nagkataon! sarap maging 18! hehe! (",)
Care to leave your thoughts?
[Tuesday, November 02, 2004]
hindi ko alam kung saan ko narinig o nabasa yang name na yan pero kung may female counterpart siya, ako siguro un..
didang scarface.. o kaya dadang scarface..
yan.. yan ang pwedeng itawag sakin..
bakit kamo? dahil meron akong maliit na hiwa sa kaliwang pisngi ko ngayon..
nung isang araw, magiinternet dapat ako.. yung lalagyan ng PC namin, may dalawang CD racks sa tabi.. na puno ng CD at CD cases.. nalaglag yung headset sa tabi ng PC at biglaan kong pinulot.. napalapit pala ako masyado sa CD rack at napakayod ang kaliwang pisngi ko sa kanto ng isang CD case.. katangahan.. laslas ang kaliwang pisngi ko just below the eye.. ang hapdi..
terrible..
dreadful..
aaargh..
ang masakit pa dun.. tuwing titingin ako sa salamin ay nagsusumigaw sakin ang katangahan ko..
ang saya di ba?
~~~~~~~~
nabago na nga yata ang circadian rhythm o biorythm ko.. sa gabi, hindi ako inaantok at kahit hanggang alas kwatro ng madaling araw eh gising ako.. at sa umaga naman, 11 am na ko gigising.. kakain ng lunch tas tutulog na naman sa hapon hanggang 5 pm.. astig.. parang vampire ito.. makisig..
saya nito sa pasukan.. pahirapan matulog sa gabi at pahirapan namang manatiling gising sa klase.. hanep.. goodluck sakin..
~~~~~~~~
naalala ko lang.. ilang araw bago ako 18th birthday pakiramdam yata ng mga tao eh ikakasal na ako.. thrice nabanggit ang word na "kasal" at once naman ang word na "bride" during the preparation of my birthday party..
1st encounter:
namimigay kami ni sehl ng invitation sa naic.. nang pumunta kami sa shop nina graciel, mother niya ang nandon, si Tita Fe.. inabot ko yung invitation..
ako: Tita Fe, pakibigay po kay gra itong invitation po niya..
Tita Fe: ano ba, ikakasal na ba?
(sabay tawa..(",))
2nd encounter:
binigay ng tito ko yung isang invitation sa friend ng mommy at daddy ko..
tito ko: lito, ito invitation pinapamigay ni mila (mommy ko)..
lito: a, bakit? para saan?
tito ko: a, kasi yung anak niya..
lito: bakit? ikakasal na ba?
3rd encounter:
dumating ang mommy ko, ineexplain yung gagawin nung photo and video na magcocover ng party..
mom ko: anak, pupunta dito yung mga magvivideo ng alas kwatro sa birthday mo..
ako: bakit po? di ba dapat sa venue na sila dumirecho?
mom ko: hindi raw..kukuhan ka pa raw nila dito sa kwarto mo.. para kang ikakasal..
4th encounter:
sa mismong birthday party na po ito.. iiintroduce ng emcee (kuya michael) ang dad ko dahil siya ang una sa 18 roses ko..
kuya michael (emcee): ladies and gentlemen, let us all welcome the father of the bride, Mr. Alexander Arcaira!
ako: *napanganga sa gulat*
haler?! people, 18 pa lang po ako.. hindi 28..(",)
~~~~~~~
nanood kami ng sister ko ng baby geniuses sa sm bacoor nung isang araw.. syempre nag-enjoy ako.. ang cute cute ng mga babies.. at ang galing nilang makipaglaban.. hehe..
sabi dun sa movie, may secret language daw ang mga bata na hindi natin naiintindihan.. sila sila daw nag-uusap pag magkakasama sila at magkakalaro.. kahit it seems like they're just blabbering, may sense daw sa mga babies yun at nagkakaintindihan daw sila dun.. tapos, naiintindihan daw nila yung adult language pero tayo, di natin sila naiintindihan.. ang galing di ba? ang sarap isipin na totoo.. kung totoo sigurong nag-uusap usap sila, parang ang sarap makaintindi ng baby language at pakinggan silang mag-usap.. sana nga totoo no.. malay nga natin?
sabi pa nga nung isang baby dun, the only baby language that adults understand is:
"WAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH" *crying* *bawling*
to the maximum level!
at ang cute nung isang bidang lalaki dun, si Justin Chatwin..Hehe..(",)
~~~~~~~~
nagbabasa ako ngayon ng book entitled "by the river piedra i sat down and wept" by paulo coelho.. naeenjoy ko siya kasi ang galing nung mga "qoutes" chuva.. basta astig yung mga lines.. share ko dito sa blog ko yung iba some other time.. hindi ko pa rin naman tapos basahin eh..
may pagkafeminist point of view yung aproach nung book.. it talks about a feminine side of God pa nga.. which makes sense i think.. never kong naisip yun before ko mabasa yung book.. but now that i'm reading it, i think its posible nga..(",)
oh my gulay.. tumitilaok na yung manok.. magfo-4am na pala.. malapit nang gumising ang mommy at sister ko.. lagot ako dun pag naabutan niya akong gising at di pa natutulog..
oops..gotta go..(",)
Care to leave your thoughts?
August 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005
August 2005
September 2005
