[Wednesday, December 01, 2004]
sabi sa isang qoute na nabasa ko habang kinakalikot ko ang fone ni aye reece:
"...don't let anyone hold your happiness in their hands.. hold it in yours so it will always be within your reach.. staying happy, is not merely an emotion.. it's also a choice..."
napaisip ako.. oo nga no? karamihan kasi sa mga tao ngayon, nagdedepend ang kasiyahan sa ibang mga bagay or tao.. hindi natin maiiwasan yun siyempre.. pero hindi naman ibig sabihin na hindi tayo pwedeng sumaya ng wala sila.. choice natin yun.. kaya nating maging masaya kung gugustuhin natin..
isipin mo na lang, kapag hinayaan mo hawakan niya ang kaligayahan mo, pag umalis siya, dadalhin niya yun paalis.. o kaya halimbawa pag nakadepend ang kasiyahan mo sa isang bagay, pag nawala mo yun, dala rin nun ang kasiyahan mo.. pano ka pa ulit sasaya di ba? take a good grip at your happiness.. yung tipong kahit mag-isa ka lang at hawak mo siya, masaya ka..
madulas ang kaligayahan.. madaling mabitiwan or makuha ng iba.. minsan voluntary mo ibibigay, minsan naman aagawin sayo, minsan ipagpipilitan mong kunin niya.. ang maganda sigurong gawin, kung i-eentrust mo ang happiness mo sa iba, siguraduhin mong ibabalik niya sayo yun bago siya umalis.. o kaya hindi na siya aalis kailan man para within your reach pa rin ang happiness mo.. pero ang pinakamaganda na sigurong gawin eh humanap ka ng taong hindi kukunin ang kaligayahan mo sayo kahit kelan.. dahil makita ka lang niyang masaya, masaya na rin siya..
mag-ingat ka rin pag binigay mo sa isang tao ang kaligayahan mo tas all of a sudden, babawiin mo na lang.. baka hindi mo namamalayan or baka hindi mo alam na yung kaligayahan niya eh hinalo na niya sa kaligayahan mo.. kaya sa pagbawi mo ng kaligayahan mo at pag alis mo, dala mo rin ang kaligayan niya..(",)
~~~~~~
hindi na ako badtrip.. hehe.. pero hindi rin ako masayang masaya.. naisip ko lang, awayin ko man ang buong mundo at pakunutin ng todo ang mukha ko sa kakasimangot eh wala rin namang mangyayari.. ako lang ang mahihirapan.. papangit pa ko.. wag na no! (",)
nasolusyunan ko na ang pagkabadtrip ko.. pero ang katamaran ko, hindi pa rin.. tulad ngayon, may report kami bukas sa N12 pero nandito ako at nagbblog.. napakalala ko na talaga..
magreretake ako ng practical exam sa friday kasama ang 35 ko pang mga kaklase.. pero isang station lang naman.. yung anthropometric measurements.. siguro 4 minutes lang ako mageexam.. pero ang masaklap dun, mageexam pa rin ako.. isinabay pa sa N5 exam.. nakakaloka na talaga ito..
Lord, natutunan ko na po ang lesson ko.. promise next time hindi na ako tatakas sa return demo ng laboratory kahit gaano pa ako kagutom.. para madaanan ko lahat ng stations at hindi mangapa/mabokya pag exam.. sorry po talaga.. di na mauulit.. promise.. (",)
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 6:26:00 PM
Care to leave your thoughts?
August 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005
August 2005
September 2005
