[Saturday, October 30, 2004]
ang saya saya ng birthday party ko! at siyempre, ang saya saya ko! salamat sa mga nagwish na maging masaya at maging successful ang party dahil nagdilang anghel kayo.. Everything fell into place and everything happened the way I wanted it to.. actually, even better..(",)
Nasabi ko na 'to sa thank you speech ko sa party pero gusto ko ulit sabihin dito sa blog ko.. Maraming maraming salamat sa lahat ng atong sumuporta, gumabay, at nagmahal sa akin sa loob ng labing walong taon ng buhay ko..Unang una kay GOD na pinagkakautangan ko ng lahat ng meron ako ngayon mula sa buhay ko hanggang sa mga taong nagmamahal sa akin at mahal ko..Pangalawa, siyempre sa pamilya ko most especially sa parents ko na naging sandigan, lakas, at inspirasyon ko sa lahat ng mga ginawa at gagawin ko sa buhay ko.. Mommy and Daddy, kayo po ang buhay ko.. Thirdly, gusto ko ring magpasalamat sa mga taong nagbigay kulay sa aking buhay.. ang aking mga kaibigan.. friends, salamat sa laging pagpapatawa sakin, sa pagtulong sakin pag may problema ako, sa pagmamahal sakin at siyempre sa pagpunta niyong lahat sa party ko.. and last, but definitely not the least, eh dun sa mga naging dahilan para maisakatuparan ang party..kina Lola Inggay, Mommy Noy at lahat lahat ng tumulong at naabala dahil sa party.. Super duper daming THANKS sa inyong lahat! Mahal na mahal ko kayo! (",)
Thanks din sa lahat ng bumati at hindi nakalimot..ito ang mga bumati sa text:
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 1:29:00 AM
ilang araw din me hindi nakapagpost..kaya siguro isa-isahin ko lahat ng naging feelings ko lately..
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 1:02:00 AM
haaay..medyo naging busy ako lately..alis kami ng alis nina mommy tsaka medyo nagsunod sunod din ang lakad ng tropa..
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 9:21:00 PM
Just wanna share a picture of me and my pretty sister..
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 3:50:00 PM
I just remembered that my parents made me cry just a few days ago..cry of happiness and feeling of being so lucky, that is..i really can't understand why is it that when it comes to my parents, my heart becomes so soft that one touch of their soothing voices can make it bleed..then after a split second, the feeling will radiate into my eyes and tears will involuntarily fall no matter how hard I try to hold them back..yes, i admit that I'm really quite a crybaby and I easily weep when I'm touched, hurt, or even angry..but usually, I can contain my tears and control my feelings..especially when it is not proper or when I'm ashamed to show them out..but when it comes to my parents, my controlling attempts are all futile..it's like they have complete access to my heart, my feelings, my emotions, and my reactions..
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 10:14:00 PM
I just took the evil test earlier this day and this was the shocking result..
Care to leave your thoughts?
[Monday, October 25, 2004]
1. Happiness
lagi naman akong masaya.. extra happy lang siguro ngayon.. dami kasing nangyari, nangyayari, at mangyayari pa.. nakakatuwa lang.. basta masaya ako.. and I really feel so blessed.. at nga pala, nagpagupit kasi ako kahapon.. mahaba pa rin pero may nagbago yata sa kahitsurahan ko..(",)
2. Weariness/Pagod
hindi ko alam kung feeling to pero basta pakiramdam ko talaga eh sobrang pagod ako lately.. nung friday, nagpunta kami ni mommy sa glorietta.. bumili kami ng damit.. at limang oras kaming naglakad lakad sa mall.. sobrang sakit sa paa.. kawawa nga mommy ko eh.. kasi nagdrive pa siya pauwi.. nung saturday naman, inikot namin ni sehl ang buong tanza, naic, at maragondon para mamigay ng invitation.. sobrang init.. kapagod.. at kahapon naman, nagpunta kaming buong pamilya sa festival mall at ATC.. at another 5 hrs na naman kaming naglakad.. what is pagod talaga.. buti ngayong araw na to medyo nakapagpahinga me.. ay kahapon na pala yun kasi past 12 na ng gabi.. nag-internet, nanood ng tv, at natulog lang ako maghapon.. at least nakapagpahinga ng konti..(",)
3. Excitement
La lang.. Excited na ko sa wednesday! or should I say, bukas? hehe! (",)
4. Sadness
ito ay isang feeling na wala dapat sa vocabulary ko nowadays.. parang walang dahilan dapat para malungkot.. yet, may isang bagay na medyo nakakapagpa-sad sakin lately.. slight lang naman.. still, it makes me upset.. sana mawala na.. (",)
5. Pain
it's really surprising how things work in mysterious ways.. kakapost ko lang na madali akong masaktan and it served as a go signal yata para masaktan nga ako.. hindi siya big deal.. coz its not naman the pain that you feel when you break up with your boyfriend/girlfriend or had a fight with your good friend or lost someone so dear to you.. hindi ganon.. simpleng pain lang.. yung tipong wala kang kamalay malay na mararamdaman mo pala.. it happened I think two days ago.. I was surfing the net nang bigla na lang, whapak! na-hurt ako.. malamang sa nakita/nabasa ko di ba? and as a result..
6. Irritation/Annoyance/Pagka-asar/Pag-kainis
ayan.. basically, yan ang immediate reaction ko after ko maramdaman yung # 5.. nairita, nainis, naasar.. wala na rin naman me nagawa.. nag-isip na lang at huminga ng malalim.. anyway, it happened many times before na rin naman eh.. tsaka tapos na yun.. hindi na ko asar ngayon.. hehe.. (",)
ganyan lang daw talaga ang buhay.. kelangan balanced lagi.. may konting tawa, iyak, at galit.. para hindi boring.. ang imporatante, marunong tayong maghandle ng emotions natin.. dapat lagi nating tandaan na feelings natin yun at kung ano man yung naramdaman natin, karapatan natin yun.. (",)
Care to leave your thoughts?
[Wednesday, October 20, 2004]
kanina nagpunta kami ni mommy sa sm..kumain muna kami tas iniwan niya ako sa dermclinic dahil nagsimba siya sa baclaran..at anong ginawa ko sa dermclinic? nagpafacial ako! yep, you read it right, nagpafacial ako! Harhar! at pucha, ang sakit! oo na, OA kung OA pero nasaktan talaga ako..pero siguro kasi ang iksi lang talaga ng pain treshold at pain tolerance ko..madali akong masaktan..physically ang emotionally na rin..
natatandaan ko last sem, kinailangan naming magprick ng finger para sa microbiology class namin..kailangan kasi ng blood sample ng bawat isa sa amin..the night before that, nagbasa ako ng laboratory manual at nang malaman kong magfifinger prick kami the next day, naisip kong wag na lang pumasok..ganon ako katakot masaktan..pero siyempre hindi naman pwedeng hindi pumasok kasi isa yun sa mga tinuturing naming major subjects dahil kailangan siyang ipasa kundi madedelay kami ng isang taon..
pag-upo ko pa lang sa upuan ko sa loob ng classroom, kumabog na agad ang dibdib ko..naiisip ko kasi na masasaktan ako at masusugatan any minute then..kinontrata ko na agad si lors na maging partner ko kahit sa kabilang side pa siya ng table nakaupo..feeling ko kasi mas komportableng magpaprick sa taong matagal mo nang kakilala at isa pa sa pinakamalalapit mong kaibigan..feeling ko mas less yung pain na mararamdaman ko pag ganon..
ayan na..magpprick na kami..hindi naman ako umiyak or nagsisigaw or hinimatay..OA yun masyado..pumikit lang ako ng madiin na madiin at nagdasal ng "Ama Namin" habang hinihintay ang masakit na paglapat ng maliit ngunit matulis na lancet sa munti kong daliri.."bilisan mo yung pagtusok lors ha? Yung sobrang bilis!".."ouch!"..tapos na..ansakit! ansakit! dagdagan mo pa ng paglalagay ng bulak na may alcohol..pag hindi naman napaluha ka sa sakit..piniga ang daliri..naglagay ng dalawang patak ng dugo sa slide at nilagyan ulit ng bulak ang sugat..isipin mo naman, para sa dalawang patak ng dugo eh masasaktan ka ng ganon? injustice!
tapos siya naman ang pnrick ko..cool lang siya..walang pag-aalinlangang binigay ang daliri niya at medyo nagulat lang ng maprick ko na siya..Astig! antapang!
after non, kahit kinailangan pa naming magprick ulit, di na ko nagpaprick..naramdaman ko na kasi yung sakit tas magpapaprick pa ulit ako? parang tinorture ko naman sarili ko non..ambait ni lors..tatlong beses pa yata siya napaulit ulit na nagpaprick at binigyan na lang niya ako ng dugo niya..hehe..ayoko na kasi talaga..eventually nawala rin naman yung sakit..saya..kaya lang kinailangan ulit naming magprick para sa isa pa naming klase kaya pinagdaanan ko na naman yung mga yon..at alam kong marami pa akong pagdadaanang physical pain sa course ko..injection for example..which is next sem na..huhu..God help me!
i hate feeling pain..actually, takot ako sa pain..physically or emotionally man yan..kaya lang minsan hindi maiwasan eh..kahit ayaw mo, dumarating..kahit ayaw mo, kailangan..wala ka nang magagawa kundi kayanin na lang..maging strong..harapin at lagpasan..pag nasasaktan, iyak lang..mawawala rin yan..ganon lang naman lagi eh..parang finger prick lang din ang emotional pain..sa una takot kang maramdaman..pero kahit takot ka, papasukin mo pa rin..itatry mo pa rin..gagawin mo pa rin..at pag nasaktan ka na, aaray ka na lang..o iiyak..hanggat gusto mo..hanggat kaya mo..minsan ang mga kaibigan parang yung bulak, tutulungan kang pigilin ang pagdudugo at hilumin ang sugat..at eventually, mawawala rin ang sakit..kahit gaano katagal pa man ang abutin, magsusubside rin ang pain..para maging handa ka nang tahakin ang mga susunod pang "sakit" sa buhay mo..na kahit takot ka, susuungin mo pa rin kasi alam mong parte yun ng buhay..at alam mong matatapos din..(",)
Care to leave your thoughts?
[Tuesday, October 19, 2004]

[verse one]
[ChOrUs]
[verse two]
[ChOrUs]
[bridge]
[ChOrUs]
Care to leave your thoughts?
[Monday, October 18, 2004]
Recently, my mom and I has been spending more time together since I'm on vacation..and usually, we tend to talk about my dad and my siblings, about how things went at school, about how we overcome the problems and trials that pass by our life, and about her childhood..during the course of the conversation, there came a point when she narrated all the difficult times she experienced when she was my age and all the hardships she went through just to finish her studies..and me? I listened closely and all of a sudden I started crying..because it pains me so much to listen to what my mother went through..I felt that if I could just turn back time and return my mom to her teenage life, I would sacrifice everything I have now for her to have it..
A few weeks ago, whenever I find out that we are experiencing problems within the family, I get depressed..especially when I think that the bulk of the burden was being carried mostly by my parents..i hate it when they suffer..they, of all people, don't deserve it..they're the best parents in the world..nevertheless, i can't help but admire the way they handle the problems..they get sad once a while, but they remain strong..especially with God's help..whenever hardships arise, my parents prefer to keep it themselves..Why? because they don't want us sad..they don't want us hurt..and they don't want us feeling hopeless..because they know, that with God's gracious helping hand, there is still hope..
While my mother was telling me how we clung on to God and how we overcame those problems, I tried sa hard to contain my tears and smile..but still, I failed..tears started trickling down my face while I silently wept..my mom looked away and as I looked at her, I saw a tear crawl down her cheeks while she smiled sweetly and hugged me..I hate it when my parents cry, the feeling is indescribable..i feel that i want to shelter them and shield them from all the pain in the world so as they would experience nothing but happiness..
I know we all feel this way about our parents..bottomline line is, I just want everyone to know that I'm so blessed to have my parents..we all are..they are the greatest gift God has ever given to us..they are the living proof of His undying and unconditional love for all of us..
Now I know the answer to my query at the start of this post about why my parents can easily make me cry..It's because they, along with God, occupy the biggest and deepest part of my heart..It's because they're a part of me and I'm a part of them..And it's because I love them so much..
Care to leave your thoughts?
[Sunday, October 17, 2004]
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 9:19:00 PM
birthday ni ian giselle kagabi..
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 10:52:00 PM
Nagbukas ako ng friendster account ko kanina at nakita ko itong message na ito na nakapost sa bulletin board..Binasa ko and in the end, I can't help but agree..Share ko lang..(",)
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 4:21:00 PM
Haaayy..Wala na naman akong magawa..Wala na naman akong kasama sa bahay kundi ang Lola kong natutulog..Nasa school mga kapatid ko..Nasa work ang Daddy ko at nagsimba sa Baclaran ang Mommy ko..Gusto ko sanang sumama kaya lang wala raw maiiwan sa Lola ko kaya hindi na ko pinasama ng Mommy ko..
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 2:40:00 PM
Naiinis ako..Hindi ko maayos yung pic ko..Haaay..Bakit ba pati yung pic ko nagiging transparent/translucent whatever? Nakakainis talaga..Mukha tuloy akong may mga tatoo sa mukha..Huhu..Pano ko kaya maayos to? Kapag ako nainis at hindi ko siya naayos hanggang bukas, idedelete ko na lang..Sayang naman..Pinag-aralan at pinag-isipan ko pa naman kung paano ako makakapagpost ng pic sa blog ko..
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 11:47:00 PM
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 11:28:00 PM
Sarap talaga kapag sembreak..Walang ginawa kundi kumain..matulog..maglaro ng playstation..mag-net/mag-blog..manood ng tv..magbasa ng Harry Potter..magmunimuni..kumain ulit..at matulog ulit..(",)
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 9:08:00 PM
Nagbabasa ako ng e-mails ko kanina nang mabasa ko ang message na ito na nagpasaya talaga sakin ng todo ngayong araw na ito..I don't know if its just me o talagang sobrang nakakatawa ang mga lines na ito..Share ko lang coz I think everyone deserves a good laugh..Haha! Lol!
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 10:23:00 PM
Bakit ako nagboblog ngayon? Isipin mo naman, 20 yrs after my last blog entry eh ngayon na lang ulit ako makakapagpost..Hehe..Bakit nga ba?
~*O*~
(,") mAx (",) shed her cocoon at 10:10:00 PM
Care to leave your thoughts?
[Saturday, October 16, 2004]
alas dose na ako nakauwi..
nalasing ako..
hindi ako nakatulog..sobrang sakit at bigat ng ulo ko..
kinabukasan..hang-over..puyat..sakit ng ulo..karma..harhar..(",)
ang saya ng party sobra..marami rami rin ang dumating..ako, sehl, eds, bilog, ice, gell, shane, puso, lovelyn, jam, zeus, at germain sa batchmates..kambal, lorenz, yen-yen, tan-tan, atbp, sa schoolmates..
dumaan muna kami sa dati naming Alma Mater bago kami pumunta kina ian..dumalaw at nakipagkwentuhan..pampalipas din ng oras kasi 1 pm pa lang nandon na kami eh gabi pa pala party ni ian..nakita ko yung dati kong crush na 3rd year..at dahil don, hindi ko na talaga siya crush..hehe..(",)
pagdating namin kina ian, nagkwentuhan muna kami..tas maya-maya kumain..tas nagkantahan..tas nag-inuman habang nagkukwentuhan at nagkakantahan..hindi naman lahat kami uminom..ilan lang din..ayaw kasi talaga nung iba eh..
maya-maya tinatamaan na mga tao..dami na sumisigaw at mas humataw ang mga kumakanta..wala na nga yatang pakialam sa ibang bisita..feeling yata namin eh kami lang ang nagrent nung videoke machine..kanya kanyang kanta ng senti songs para ilabas ang mga hinanakit sa buhay..walang takot magsalita..hihirit ng pasigaw sabay tawa..harhar! ang saya talaga..hanggang uwian ganon kami..anlalakas ng loob ng mga tao..saya talaga pag lasing..guts galore..hehe..(",)
halos pitong bote yata ng san mig pale pilsen ang nainom ko at mahigit dalawampung beses yata akong bumisita sa banyo..diuretic kasi ang beer, pag umiinom ka, ang tendency mapaihi ka ng mapaihi..lalo pa ko..overfunctional yata kasi ang kidneys ko eh..OA magproduce ng urine kumbaga..
pag-uwi ko, nag-ayos lang ako ng katawan tas humiga na ako agad..ambigat ng ulo ko, hindi ko na talaga maiangat nang ihiga ko na siya sa unan..naturally, nakatulog ako agad..kaso nagising ako ng alas dos..at anak ng tipaklong ang sakit ng ulo ko! di na ko makatulog..bumangon ako, naghilamos uli, uminom ng isang basong tubig sa humiga uli..wa epek..sakit pa rin..pinikit ko na lang ang mga mata ko pero gising ang diwa ko..napapaidlip ako ng saglit pero nagigising din agad..at yung saglit na saglit na idlip na yun ay hitik na hitik sa panaginip..kaya parang di rin ako nakatulog..sa dami nga ng napanaginipan ko, din ko na madistinguish kung alin ba ang totoong nangyari at alin ang panaginip lang..mga 6 na siguro ako TOTOONG nakatulog dahil unti-unti na ring humupa ang sakit ng ulo ko non..kaya lang ginising ako ng 8 dahil pupunta kaming dasma..magpapatherapy ang Lola ko..at since hindi dapat magpahalata na nalasing ako kagabi, hindi ako nakatanggi..kaya..
puyat..sakit ng ulo..sakit ng mata..karma..hehe..(",)
Care to leave your thoughts?
[Wednesday, October 13, 2004]
Para meron ding kadramahan sa blog ko..Hehe..(",)
What Hurts...
:: letting go of a person you've just learned to love
:: reminiscing the good times u shared together
:: shielding your heart to love somebody
:: trying to hide what you really feel
:: trying to hide the tears that involuntarily fall from your eyes
:: loving a person too much
:: giving up someone you never thought of giving up
:: having the right love at the wrong time
:: taking the risk to fall in love again
:: hiding your relationship from someone else
:: controlling your feelings to avoid hurting a friend
:: thinking of him/her every waking and sleeping moment knowing all the while that he/she never even thinks a single thought of you...
:: letting go, because every time you see the person, you only fall deeper
:: holding back only to find out when it's too late, you both felt the same way, but were only scared to lose each other so much that you didn't let the feelings out
:: falling in love with someone you didn’t mean to fall in love with
:: finding the perfect guy/girl...with only one problem....he/she doesn’t love you...
:: helping the one you love court your friend
:: seeing the one you love crying for someone else
:: the waiting also hurts like hell:: having to hear "... I've met someone"
:: agreeing to him/her wish to 'just be friends'.
:: asking his/her freedom back because she'd be happier with her/him
:: asking you to 'forget that everything happened' and be 'normal' friends again.
:: hearing that you're treated as a big bro/sis (ouch!)
:: sharing his/her future plans for the girl/guy with you.
:: you stopped being friends because his/her gf/bf asked him/her to.
:: being denied in front of people.
:: telling you lies where he’d/she'd been, when actually, she was with a 'new friend' or an 'old flame' (whew!)
:: he/she told you he’d/she'd be leaving you to return to her ex (the one he/she left 4 u!)
:: breaking someone's heart
:: fighting for that one thing that would make you happy
:: that is, holding on to a person who can not guarantee you his/her commitment unless he/she fixed himself/herself...then, you are left hanging for the moment...then he/she says, time will tell... but you still decided to hope in him/her and trust him/her
:: PRETENDING you're OK when inside you're dying...
:: PRETENDING to be strong.... and RECOGNIZING your weakness
:: lying in bed each night, thinking of that special person you can never have...
:: being with someone you can't actually love...
:: pretending you don't love a person whom you actually love...
:: being in love...
:: letting go even if you really don't want to... having no right to say you are hurting, because it was your decision
:: seeing the person you love hurt because of you... and not being able to help that person...
:: having the courage to say I LOVE YOU to the person you love and finding out afterwards that things will never be the same again when he/she doesn’t treat you with the same closeness as before
:: having to face the fact that someone is capable of completely destroying the wall that you have set for yourself, leaving you weak and vulnerable
:: admitting that you love someone despite her/his imperfections
:: finding out that the more you try to hate her/him, the more you end up loving her/him, perhaps even more than before...
:: realizing how stupid your mistakes were that led to your break-up.
:: the thought that this girl/guy, used to really love you and you loved her/him as well but you didn't give enough and she/he gave up on you
:: Sharing the one you love with SOMEBODY else....."
:: making a promise....and realizing that when the time has come for that promise to be delivered....the commitment is no longer there...
:: the hardest thing about love - believing it exists.
After you've been hurt...
...learn to forgive...
...learn to trust and love again...
Care to leave your thoughts?
Naglaro ako ng playstation (Suikoden II) mula kaninang 10:00 hanggang 2:30..Kung hindi pa siguro yun nagloko, hindi ako titigil..Nung hinipo ko yung playstation, umaapoy sa init..Hehe..OA..Pero sobrang init na niya talaga..Linchak naman kasing Suikoden II yan, 23 hrs ko nang nilalaro, hindi parin tapos..Samantalang yung kapatid kong si Xam, natapos niya ang Suikoden I in 20 hrs..Maligalig kasi akong maglaro eh..Paikot ikot..
Tnatry ko pa ring ayusin yung pix ko dito sa blog ko..Kaya lang, my efforts are futile..Naks ang drama..Bakit naman kasi ayaw maging opaque ng pix ko? Grrr..Nagmumukha rin tuloy background pic eh..Sana naman ay maghimala at maayos ko siya..Haaay...
I'm bored..Actually, namimiss ko na ang school..ang UPCN..ang friends ko..ang rob..ang gbox..ang moviehouse..ang manila..pati nga family ko namimiss ko rin kahit nandito ako..
Ambilis no? Tatatlong araw pa lang akong nagbabakasyon namimiss ko na sila agad..Ang hirap kasi ng walang ginagawa eh..Pero don't get me wrong..masaya pa rin ako dahil sembreak..As in..Pero nabobore lang talaga me minsan..Lalo pa't wala rin naman ang buong family ko dito sa bahay..
Haaay..Ano kayang magawa for the rest of the vacation? Hmmm..(",)
Care to leave your thoughts?
[Tuesday, October 12, 2004]
Haaay..Naaadict na nga yata ako sa pagbblog..Puro na lang yata ito ang inatupag ko sa unang dalawang araw ng bakasyon ko..Nakadalawang internet card na nga agad ako sa loob ng mahigit dalawang araw..Tsk tsk..Magastos ito..Siguradong papagalitan ako ng Daddy ko pag nagpabili na naman ako ng internet card sa kanya..Haaaay..
Hindi lang naman ako eh..Yung dalawang kapatid ko kasi adict din sa net..Haaay...
Napapagod na akong mag-ayos ng lay-out ng blog na to..Marami rami na rin siguro akong nadagdag at naayos..Pero feeling ko kulang pa rin..Feeling ko hindi ako makukuntento kahit kelan..Andami ko pa kasing gustong gawin eh..Pero pag-aaralan ko pa kung paano kaya medyo mahirap at matagal..Haaaay..
Pansin niyo puro ako buntong hininga? Actually naghihikab lang ako..Antok na kasi ako eh..Gabi na kasi..Este, umaga na pala kasi pasado alas dose na..Haaaay..Antok na talaga ako..Bukas na lang uli..Paubos na naman internet card ko..(",)
Care to leave your thoughts?




Care to leave your thoughts?
Yun nga lang may extra rin akong ginagawa dito sa bahay tulad ng pag-aalaga sa lola ko, pagliligpit ng plato, at pag-aayos minsan ng bahay..Pero I don't mind..Wala rin naman me ginagawa eh..Basta masaya ako kasi sembreak na..(",)
Nakakatawa nga eh..Araw-araw, gigising ang Mommy ko ng maaga..Mga 5:00 para gisingin ang kapatid kong si Alexa, magluto ng agahan niya, at painumin ang lola ko ng milo dahil baka mag-hyploglycemia..Maliligo si Alexa, magbibihis, kakain at susunduin ng school bus niya ng mga 6:00 kasi 7:00 ang klase niya at sa kabundukan pa ang school niya..Pagdating naman ng 7:00, ang kapatid kong si Xam naman ang gigisingin ng Mommy ko para pumasok sa school niya na isang kanto lang ang layo sa bahay namin..Talk about extremes..Astig ang mga kapatid ko no? Mommy namin ang alarm clock..Hehe..Kasi ang hirap gisingin ng mga kapatid ko..Kung ordinaryong alarm clock lang, tutulugan lang nila uli..Kaya ang alarm clock nila eh yung namamalo at naninigaw pag hindi sila agad bumangon..Hehe..(",) Anyway, pag-alis ng kapatid kong si Xam ng mga 8:00 (8:00 ang class niya ha..), daddy ko naman ang magpeprepare para pumunta sa work niya..Mga 9:30 alis niya..So bago pa man matapos ang umaga, ako, si Mommy, at si Lola na lang ang matitira sa bahay..Tapos after lunch, Mommy ko naman ang aalis dahil may inaasikaso rin sa work niya..Maiiwan ako at ang Lola ko..Pero minsan lang naman umaalis ang Mommy ko..Madalas kaming tatlo ang nagchichikahan dito sa bahay maghapon..(",)
Nakakatuwa lang kasi ngayon ko lang naobserbahan ang daily routine dito sa bahay..Kasi naman pag may pasok, isang linggo akong nasa Manila at weekends lang ako umuuwi dito..Eh kapag weekends kumpleto ang pamilya dahil walang work at walang school..Napansin ko lang kanina na, I have never seen the house so quiet..Kami lang kasi ng Lola ko ang nandito kanina..Eh babahagya nang magsalita yun..Naisip ko tuloy, ang lungkot pala ng bahay 'pag weekdays..Naisip ko rin tuloy, baka madali akong mabagot ngayong sembreak..Ang haba kasi ng bakasyon eh..Almost 1 month..Masaya sana kung bakasyon din ang mga kapatid ko at ang parents ko para kumpleto ang family..Kaya lang hindi eh..How sad.. :-(
Haaaay..Kailangan ko na lang talaga sigurong ienjoy yung sembreak kahit wala yung ibang members of the family..Anyway nagstart naman silang dumating isa-isa by 5:00 pm..At kumpleto na kami by 6:00 pm..May bonus pa kasi nagpupunta rin dito ang tito at mga pinsan ko sa gabi..Masaya na ulit..Hehe..(",)
Care to leave your thoughts?
[Monday, October 11, 2004]
Siguro kung maririnig ko 'tong mga statements or questions na 'to from someone I know, kahit siguro gaano ko siya kamahal eh hahagalpakan ko siya ng tawa..Hehe..Sama ko talaga..(",)
Galing 'tong message na 'to sa blockmate ko, sinend niya sa yahoogroup namin..Nilagyan ko lang ng comment yung iba..Hehe..Enjoy! (",)
1. I couldn't care a damn!
2. What's your next class before this?
3. Nothing in this world is perfect except the word "change".
4. Can you repeat that for the second time around once more from the top?
(Translation: ulitin natin hanggang mamatay tayo!)
5. My dad brought home a lot of hand-me-downs!
(Translation: Daming pasalubong ng tatay ko.)
6. Standard and Chartered Bank
7. I'm very iterated!!!
(Transalation: galit sya!)
8. I'm sorry, my boss just passed away.
(Translation: kakadaan lang ng boss nya.)
9. Hello, my boss is out of town. Would you like to wait?
10. What happened after the erection of Mayon Volcano?
11. Don't touch me not!
12. Hello?... For a while, please hang yourself...
13. Its spilled milk under the bridge.
14. Don't change anything! Keep it at ease.
15. Hello McDo? Mag-i-inquire lang ako kung magkano ang kidney meal? yung pambatang pagkain.
16. You!!! You're not a boy anymore! You're a man anymore!
17. Out of fit ako these days eh...
(Translation: di sya nakakapag-exercise)
18. Come, lets join us!
19. Bring down the house down!
20. I'm the world champion of the World!!!
Di ba ang saya..Grabe sarap mabuhay..(",)
Care to leave your thoughts?
Hmmm..Kasi ang daming magagandang nangyayari lately sa buhay ko na kahit mababaw siguro para sa iba eh big deal para sakin..Hehe..To name a few:
1. Sembreak na!!!!!!!!!!!!!!!!!! (I'm sure hindi lang ako ang masaya dito!) (",)
2. Exempted ako sa finals sa N10, sa biochem, sa microbiology, sa parasitology, at sa N4-Pathophysiology!!!!!! Akalain mo yun?!? (Hindi ako nagyayabang ok, masaya lang talaga ako kaya pagbigyan niyo na…Anyway, blog ko naman to!!!! Hehe..(",) )
bad news: mukhang uulit ako ng Histo II dahil SOBRANG dali ng exam..Sobrang daling ibagsak..Huhu.. ),=
Anyway, masaya pa rin ako!!!!!!!! (",)
3. Friends na kami!!!!!!! Hehe!!!!!!!! (",)
4. Gawa na ang PC naming na ilang buwan ko ring hindi nagamit! Kaya may pag-asa nang makapagblog ako ng mas madalas at hindi once in a blue moon lang… Yahooooo! (",)
5. Nabili ko na yung sandals/slippers na gusto kong bilhin! (",)
6. Medyo marunong na akong magdrums!!! (Oo, hindi pa kagalingan..Pero and importante, marunong na ko kahit slight lang..Hehe..) (",)
7. Makakapaglaro na ako ng playstation (Suikoden II), Ragnarok, at Badminton, makakapanood ng TV hanggang anong oras ko gusto, makakatulog hanggang anong oras ko rin gusto, makakapagnet ng madalas, makakapagbasa ng mga gusto kong libro at hindi puro pang acads lang, makakagala kung kelan ko gusto, at makakasama ko na ang friends ko na matagal tagal ko ring hindi napagkikikita dahil pare-pareho kaming busy! Magagawa ko lahat yan dahil SEMBREAK na!!! Pucha and saya ko!!! (",)
Ayun..Kaya pala ako nagblog..Kasi masaya ako at siyempre, kasi may time na akong magblog..Hehe..(",)
By for now toxicity..Kita na lang ulit tayo next sem..(",)
Care to leave your thoughts?
August 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005
August 2005
September 2005
