ang saya saya ng birthday party ko! at siyempre, ang saya saya ko! salamat sa mga nagwish na maging masaya at maging successful ang party dahil nagdilang anghel kayo.. Everything fell into place and everything happened the way I wanted it to.. actually, even better..(",)
Nasabi ko na 'to sa thank you speech ko sa party pero gusto ko ulit sabihin dito sa blog ko.. Maraming maraming salamat sa lahat ng atong sumuporta, gumabay, at nagmahal sa akin sa loob ng labing walong taon ng buhay ko..Unang una kay GOD na pinagkakautangan ko ng lahat ng meron ako ngayon mula sa buhay ko hanggang sa mga taong nagmamahal sa akin at mahal ko..Pangalawa, siyempre sa pamilya ko most especially sa parents ko na naging sandigan, lakas, at inspirasyon ko sa lahat ng mga ginawa at gagawin ko sa buhay ko.. Mommy and Daddy, kayo po ang buhay ko.. Thirdly, gusto ko ring magpasalamat sa mga taong nagbigay kulay sa aking buhay.. ang aking mga kaibigan.. friends, salamat sa laging pagpapatawa sakin, sa pagtulong sakin pag may problema ako, sa pagmamahal sakin at siyempre sa pagpunta niyong lahat sa party ko.. and last, but definitely not the least, eh dun sa mga naging dahilan para maisakatuparan ang party..kina Lola Inggay, Mommy Noy at lahat lahat ng tumulong at naabala dahil sa party.. Super duper daming THANKS sa inyong lahat! Mahal na mahal ko kayo! (",)
Thanks din sa lahat ng bumati at hindi nakalimot..ito ang mga bumati sa text:
bilog - 11:39:34 pm (october 26 pa to bilog, hehe, napaaga ang bati mo)
joy - 11:54:53 pm (october 26 pa rin, hehe, kulang ng 6 mins)
nikz - 12:00:43 am
eddison - 12:26:54 am
lors/alexis - 12:39:49am
dangell - 02:07:12am
berna - 06:38:18am
puso - 07:29:53am
tita Anne - 07:48:55am
tito Resty - 08:15:00am
best_eds (called) - 09:05:00am
harold - 09:10:51am
lovelyn - 09:12:53am
shane - 09:23:32am
ralph - 09:32:13am
ivy - 09:34:10am
ma'am May - 10:01:21am
ice - 10:07:28am
karla - 12:36:39pm
edrian - 12:39:34pm sa kanila, 09:39:34am dito satin
mga bumati sa blog:
sehl/gallahad
lors/alexis
aye reece/dyosa
geri
and the rest, sa personal na bumati..nang magkitakita kami sa party ko.. may iba pa na nag-greet din sa text kaso di ko na naisulat kasi bandang hapon na sila bumati at nasa parlor na ko nun, nagpeprepare for the party..hehe..anyway, maraming thank you talaga sa lahat ng nag-greet at nakaalala..(",)
super daming thanks din sa lahat ng nagpunta sa debut ko.. ang saya saya ko dahil nandon kayong lahat.. kumpleto ang 18 roses at 18 treasures.. sa 18 candles, isa lang ang wala.. at medyo nagtatampo talaga ako sa kanya ngayon.. anyway, masaya pa rin! as in sobrang thank you talaga! (",)
Nauna ang program, na medyo nadelay ng konti dahil hinintay na makumpleto ang 18 chuvas.. 7:30 na nagstart ang dapat ay 6:00..hehe..what's new? Filipino time..wala na tayong magagawa..
After ng program, siyempre kainan..good chow ang lahat at sabi nila masarap daw ang food..na hindi ko natikman sa sobrang busy at takot na baka lumaki ang tummy ko..hehe..sa dami ng handa ko, spaghetti lang na hindi ko pa naubos ang natikman ko..pero ok lang, basta nakita kong nabusog at nasarapan ang mga bisita ko, busog na rin ako..hehe..(",)
After ng kainan, continuation ng program..maraming salamat kina russell, joy, at dangell for rendering me a very special dance number..idol ko talaga kayong sumayaw..love u guys! (",)
At after ng program, nag-uwian na ang mga matatanda at kabataan na lang ang natira..sayawan, inuman, kantahan, tawanan, at kwentuhan galore! astig talaga kasi andami namin.. Mostly, highschool friends.. Nun na lang ulit kami nakumpleto ng ganon.. ang saya saya ko talaga.. sabi nga ni ivy, instant reunion din daw ang party ko.. sayang nga kasi hindi nakaatend yung iba pa naming kabatch.. sarap talagang kasama ng old friends.. at masaya talaga ako dahil nakaatend silang lahat..(",)
Bukod sa old friends ay meron din kaming new found friend nung gabing yun.. si ejhay, ka-synergy ng bestfriend kong si russell.. astig siya.. sa una tahimik, pero makulit pala.. madali siyang nakahalubilo sa tropa kahit nung gabing yun lang namin siya nameet.. galing niya sumayaw..cute pa! hehe..(",)
Nang mapagod na kami sa sayawan, naupo na lang kami, gumawa ng circle, at naglaro na lang ng Bart Simpson (courtesy of ejhay).. ang saya ng laro.. kung sino ang hindi makapagbigay ng example ay pipili kung truth or consequence.. andaming pinagawa sa mga nataya.. sina eds at sehl, nadare na magkiss na prepaid card at coin lang ang pagitan.. si jepay kinantahan si jammy, si dangell nagsayaw ng baligtad na otso-otso.. si ejhay napasayaw ng spaghetti, natanong ng tatlong nakakabiglang mga tanong, at read this: sinayaw niya ko! hehe! (",)
2:00 am na kami nagkatapos.. nagpapack-up na nga sa Ceferina nung mga oras na yun pero wala kaming pakialam.. tuloy ang laro.. namalayan na lang namin na madilim na pala, wala nang sounds, wala nang aircon, at tinawag na kami ng mommy ko.. tapos hinatid namin isa-isa lahat ng friends ko sa kani-kanilang mga bahay.. kahit nasa van na, kulitan pa rin kami.. sobrang saya talaga! ang isang part lang na medyo sad, nawalan ng fone si ice.. buti na lang hindi naman nagalit ang mom niya..
4:00 am na ko nakauwi sa bahay.. gising na yung kapatid ko dahil may field trip siya samantalang ako, di pa natutulog.. pero I don't mind coz I'm so busy being happy and enjoying the night with my friends to think about sleeping.. that night was the happiest and most memorable night of my life so far.. my 18th birthday was the best!
Pero naturally, pag higa ko sa kama, tulog ako agad.. at 12pm na ko kinabukasan nagising.. tas saka pa lang ako nagbukas ng gifts.. salamat sa lahat ng gifts.. promise, highly appreciated lahat yun..(",)
Kung may nakalimutan pa me ikwento, sa next post ko na lang ikukwento kasi ang haba na nito..at pasado alas dos na ng umaga..hehe.. ay, may naalala ako.. si bilog nga pala, tinamaan ng sobra kay ejhay! hehe!
Haaaay...Super duper daming thank you to the maximum level sa inyong lahat!!! I love you all!! (",)